Introducing the Concept of Area

Marami sa mga magaaral ang memorized ang mga formulas ng area ng maraming polygons, pero may mga iilan na malabo ang pagkakaintindi dito (TIMSS 2003). Ano nga ba talaga ang area?

Ito ay ang unang post sa Area Derivation Series. Dito, pagaaralan natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng area.

concept-of-area

I-click para makita ng malinaw

 

Kung mayroon tayong room na 12 feet by 10 feet, ilang square tiles  ang pwede nating ilagay para macover ang buong room kapag ang sukat ng tiles ay 1 foot by 1 foot?

Kung titingnan natin ang drawing sa itaas, madaling i-compute kung ilang square tiles ang kailangan para sa ating problem. Ang length ng room ay 12 feet, so sa bawat row ayun sa drawing sa itaas, mayroong 12 tiles. Ibig sabihin, sa 10 rows, kailangan natin ng 120 tiles. Samakatuwid, 120 tiles na 1 square foot ang sukat ang kailangan para macover ang buong room. Continue reading