Ang salitang sipnayan ay ang Filipino ng salitang mathematics. Nalaman ko ito noong ako ay high school pa lamang, at hindi ko alam kung tama nga ito. Hindi ako eksperto sa Filipino (ako ay Ilonggo), kaya, hahayaan ko na lang ang mga eksperto na itama ako kung sakaling mali man ang aking translation.
Ginawa ko ang blog na ito upang maituro ang mathematics sa salitang Filipino. Sana ito ay makatulong sa mga magaaral, lalo na sa mga teachers na hindi math majors na nagtuturo ng mathematics. Isa pa, naniniwala ako, at napatunayan na rin sa mga pagaaral, na mas madaling matututunan ng mga magaaral ang mathematics sa sariling wika.
Ang blog na ito aking isusulat in conversational language para mas madaling maintindihan ng mga nagbabasa. Hindi ako magpupumilit na gawing Filipino ang mga salitang mas madaling intindihin sa English. Muli, hindi ako eksperto sa Filipino kaya hindi ko ito pagtutuunan ng pansin ang wika. Ang importante ay ang mathematics na aking ituturo. After all, this is a mathematics blog at hindi language blog.
Sa kabilang banda, sa loob ng sampung taon na ako ay nagbablog, lahat ng aking blog ay isinulat ko sa English. Malamang, ito na ang aking pagkakataon upang mapagyaman ko ang aking kaalaman sa sariling wika (naks!).
Hopefully, magiging enjoyable ang blog na ito. Magsusulat ako ng mga content tutorials sa high school mathematics hanggang undergraduate mathematics (college math). Magbibigay din ako ng mga links sa mga useful math resources. Pagtuunan ko rin ng pansin ang lighter side ng mathematics: games, puzzles, fun, and humor.