Sino ba ang mga kilalang mathematicians sa Pilipinas?

Ang professional mathematicians ay mga taong nagko-conduct ng research tungkol sa mathematics. Dahil required ang research para sa tenure (para mapermanente sa trabaho bilang propesor) sa UP, Ateneo, at DLSU, ang mga propesor sa mga paaralang ito ay mga mathematicians. Ibig sabihin, nakapagpublish sila ng research sa international journals.

Dahil konti lang ang kilala kong mathematicians sa ibang universities,  lahat ng mga listahan sa ibaba ay mga propesor ng UP (na aking mga propesor, hehe). Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang mathematicians sa UP at ang kanilang areas of research. Ang unang apat ay Full Professors (pinakamataas na position na pwedeng maabot ng isang propesor).

  1. Rene P. Felix  – Abstract Algebra, Geometric Crystallography
  2. Jose Balmaceda – Number Theory,  Coding Theory
  3. Evelyn Tan  – Combinatorics, Statistics
  4. Honesto Nuqui – Linear Algebra, Operations Research
  5. Fidel Nemenzo – Number Theory at Coding Theory.

Kilala ding mathematician si Dr. Marasigan ng Ateneo de Manila. At syempre, sinong hindi nakakakilala kay Professor Queena Lee Chua. Ngunit sa aking pagkakaaalam (well, hindi ako sure), ang area of research ni Dr. Chua ay tungkol sa mathematics education at sa psychology at hindi pure o applied mathematics.

Kung gusto pa ninyo makilala ang iba pang mathematicians, puntahan na lang ninyo ang websites ng Mathematics Department ng mga Universities na nabanggit sa itaas.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave a Reply