Ito ay tanong ng isang reader ng blog na ito na hindi nagpakilala, na sa aking palagay ay isang mag-aaral.
Kagaya ng tanong na “Sino ang pinakamagaling na mathematician?,” hindi natin ito masasagot kung ang ibig sabihin natin ng “Father” sa Father of Mathematics ay siya ang nagpasimula nito. Kung babasahin natin ang kasaysayan ng mathematics, ang siyensyang ito ay nabuo sa loob ng libong taon. Hindi lamang isang tao ang nagcontribute dito kundi napakarami.
Kung ang “Father of Mathematics“ naman sa iyong tanong ay ang titulo na ibinigay ng mga historians sa isang mathematician, ito ay binigay kay Archimedes. Si Archimedes ay napakagaling na mathematician. Isa din siyang physicist, imbentor, at engineer na nabuhay 200 taon bago pinanganak si Kristo. Sa kanyang panahon, nakaimbento sya ng mga bagay na kapakipakinabang kagaya ng Archimedes’ screw (tignan ang animation sa ibaba) at marami pa. Ang screw na may ganitong disenyo ay ginagamit na panglimas ng tubig sa barko.
Sa mathematics, isa sa marami nyang contribution ang method of exhaustion. Ito ay kanyang ginamit upang ma-approximate value ng sa pamamagitan ng pag-inscribe at pag-cirscumscribe ng polygon sa circle. Ginamit din nya ito sa pagkuha ng area under the arc of a parabola.
Hindi ko pahahabain ang post na ito sapagkat marami naman ang resources sa internet tungkol kay Archimedes. Tingnan na lang ninyo ang Wikipedia at ang mga links ng sources sa Notes and references section sa ibaba ng article.
Sa nagtanong dito, maraming salamat at sana ay nasagot ko ito ng maayos.