What is pi? Saan ba talaga ito nanggaling?

Ang pi o Greek letter na \pi na approximately 3.1416 ay nakikita kahit saan mang field ng mathematics. Pero ano ba talaga ito? Saan nga ba nanggaling ang number na ito?

Bago ko idiscuss ang area ng circle ay nais ko pagtuunan ng pansin ang \pi. Alam natin na ang area ng circle ay \pi r^2, kung saan ang r ay nagreprepresent sa radius.

 

Ang \pi ay ang ratio ng circumference ng circle sa kanyang diameter. Ibig sabihin, kapag sinukat natin ang haba ng circumference at ang haba ng diameter, at dinivide natin (circumference divided by the diameter), ang sagot ay approximately 3.1416 o exactly \pi. At palaging ganito ang quotient (o ratio) kahit gaano man kalaki o kaliit ang circle.

Ayaw nyo manilawala?¬†Hmmm… Subukan nyo. Kuha kayo ng ibat ibat circular na bagay, tapos sukatin nyo.

Ang isa pang origin ng \pi ay ang approximation ng area ng circle. Gusto malaman ng mga mathematicians noong unang panahon kung ano ang area ng circle na may radius na 1. So, naginscribe at nagcircumscribe sila ng polygons sa circle at nakita nila na habang parami ng parami ang sides ng polygon ay palapit na ito ng palapit sa area ng circle. Gamit ang manual computation (pagaaralan natin ito sa susunod ng mga posts), naapproximate nila ang area ng circle with radius 1. Ito ay malapit sa 3.1416 o \pi.

Sa ngayon, hindi muna natin idedetalye ang proseso sa itaas. Magkakaroon tayo ng isang post na ididiscuss natin ang topic na ito. Ang importante, sa ngayon, alam nyo na kung saan galing ang \pi.

Dami nating pagaaralan no? Nakakaexcite! Sa susunod na post, pagaaralan natin kung pano nakuha ang area ng circle.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

2 Replies to “What is pi? Saan ba talaga ito nanggaling?”

Leave a Reply