How to Subscribe to Sipnayan via Email

Nagsisimula pa lang ang blog na ito, kaya nais kong bigyang pansin ang mga taong gustong basahin ito ng regular. Alam ko na hindi lahat sa atin ay “techie,” kaya maglalagay ako ng mga tutorials paunti-unti kung paano madaling maaccess ang blog na ito ng mabilis at convenient. Ngayon, pagaaralan natin kung paano mag-subscribe sa Sipnayan gamit ang email.

Kung kayo ay subscribed sa Sipnayan gamit ang email, kapag may bagong post ay automatic na maipapadala ito sa email ninyo. Napakadali lang na magsubscribe. Ito ang mga steps:

1. Ilagay ang iyong email address sa text box sa GET FREE UPDATES section na matatagpuan sa side bar (bandang kanan ng page na ito). Ito ay mago-open ng bagong window.

2. Sa bagong window, ang Email Subscription Request page,  itype ang iyong email address sa email text box (tingnan ang figure sa ibaba). Kung mapapansin ninyo, gumagamit ang Sipnayan ng Feedburner ng Google para sa email subscriptions.

3. I-type ang anti-spam text sa text box sa ibaba window.

4. I-click ang Complete Subscription Request button.

5. Pagkatapos ng step 4 ay buksan ang email na ginamit  ninyo sa Email Subscription Request form.  May makikita kayong confirmation email na ang subject ay Activate your Email Subscription to: Sipnayan.  Buksan ang email at i-click ang activation link.

Kapag nagawa ninyo ng tama ang instructions sa itaas, makakatanggap kayo ng updates sa inyong email kapag may bagong blog post sa Sipnayan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

One Reply to “How to Subscribe to Sipnayan via Email”

Leave a Reply