Introducing the Concept of Area

Marami sa mga magaaral ang memorized ang mga formulas ng area ng maraming polygons, pero may mga iilan na malabo ang pagkakaintindi dito (TIMSS 2003). Ano nga ba talaga ang area?

Ito ay ang unang post sa Area Derivation Series. Dito, pagaaralan natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng area.

concept-of-area
I-click para makita ng malinaw

 

Kung mayroon tayong room na 12 feet by 10 feet, ilang square tiles  ang pwede nating ilagay para macover ang buong room kapag ang sukat ng tiles ay 1 foot by 1 foot?

Kung titingnan natin ang drawing sa itaas, madaling i-compute kung ilang square tiles ang kailangan para sa ating problem. Ang length ng room ay 12 feet, so sa bawat row ayun sa drawing sa itaas, mayroong 12 tiles. Ibig sabihin, sa 10 rows, kailangan natin ng 120 tiles. Samakatuwid, 120 tiles na 1 square foot ang sukat ang kailangan para macover ang buong room.

Kung mapapansin natin, pwede natin i-multiply ang length at width para makuha ang number of tiles na kailangan.  Ang length ay 12 feet, ang width ay 10 feet, so kapag nagmultiply tayo, ang sagot ay 120 square feet, which is pareho sa sagot natin sa itaas. Tama ito dahil kinukuha natin kung ilan yung tiles sa bawat row, at iminu-multiply sa number of rows.

area

Ang pag-compute kung ilang square tiles ang kailangan para magkasya sa isang room ay kapareho ng pagkuha ng area. Ang area ay ang number of square units na pwedeng magcover sa isang bounded region o isang bahagi ng flat surface na may closed boundary. Kaya natin sinabi na square units, kasi pwede natin palitan ang unit of measurement na gagamitin natin.  Halimbawa, sabihin natin na ang 6 meters by 9 meters na room ay ikocover ng 60 cm by 60 cm square tiles, so yung 60 cm x 60 cm ang square unit dito.

Paalala: Hindi natin binibilang ang number of squares kung hindi magkapareho ang unit ng given (length, width at area).  Nagkataon lang sa itaas na ang unit square natin ay 1 square foot at ang length and width natin ay in feet.  Kapag hindi  pareho ng units ang givens, kailangan i-convert ang isa sa mga measurements para sila magkapareho.

I-summarize natin ang mga konsepto sa itaas:

  1. Ang area, ay number of squares  (pwedeng tiles, or imaginary squares) na pwedeng magkasya sa isang bounded region
  2. Ang pagkuha ng area ng rectrangle ay length x width.
  3. Pwedeng gumamit ng ibat ibang unit of measure ang pagkuha ng area.

Sa susunod na post, paguusapan natin ang area ng triangle.

Photo Credit: Mathematics and Multimedia

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

4 Replies to “Introducing the Concept of Area”

Leave a Reply